Ang Electronic Newsletter ng Bayan ng Calauan, Laguna
Sa ating mga mahal na kababayan,
Magandang araw po! Sa paglabas ng kauna-unahang edisyon ng CalaueNEWS, layunin po natin na mapalapit pa sa inyo ang mga balita, serbisyo, at proyekto ng ating lokal na pamahalaan. Sa tulong ng teknolohiya, ating palalawakin ang impormasyon at pagkakaisa ng bawat Calaueño. Sama-sama nating itaguyod ang isang maunlad, disiplinado, at progresibong bayan.
-Kgg. Allan Jun “Dong” V. Sanchez
Bise Alkalde
Pormal nang binuksan noong Disyembre 30, 2025 ang McDonald's Branch sa Calauan, bilang bahagi ng pag-usbong ng negosyo sa bayan at pagbibigay ng karagdagang oportunidad sa trabaho para sa mga Calaueño.
Mayor Roseller "OSEL" G. Caratihan

Alamin ang pinakabagong ordinansa at resolusyong ipinapatupad para sa kaayusan at kaunlaran ng Calauan.
Alamin ang mga bagong proyekto, pasyalan, at makukulay na aktibidad na ipinagmamalaki ng Calauan.
Mga kaalaman, tamang impormasyon, at mga praktikal na tips upang mapangalagaan ang kalusugan ng bawat isa at masiguro ang mas ligtas at mas malusog na komunidad.
Ang Public Employment Service Office (PESO) ay tumutulong sa paghahanap ng trabaho at nag-aayos ng mga local recruitment activities sa Bayan ng Calauan.

Inilunsad ng Pamahalaang Bayan ng Calauan, Laguna ang isang programa na nagbibigay ng libreng serbisyong legal at notaryo para sa mga residente.
Ang serbisyo ay available tuwing Huwebes at Biyernes, mula 1:00 hanggang 5:00 ng hapon, sa Municipal Administration and Internal Management Office.
Pinangungunahan nina Mayor Roseller "Osel" Carathian, dating Konsehal Charles Owen Carathian, at Congressman Amben Amante, layunin ng programang ito na mas mapalapit sa mamamayan ang serbisyong legal, lalo na sa mga kapus-palad na hindi kayang magbayad para rito.
Ang programang ito ay patunay ng patuloy na paglilingkod ng mga lokal na opisyal na nakatuon sa makatao at tumutugong pamahalaan.
"Huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti, dahil sa takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko."
— Galacia 6:9
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.