
Isang libreng Community-Based Skills Training ang inilunsad ng Provincial Employment Service Office (PESO) Calauan katuwang si Mayor Roseller G. Caratihan, bilang bahagi ng kanilang adhikain na makapaghatid ng dagdag kaalaman at kasanayan sa mga Calaueño.
Itinatampok sa programang ito ang Hair Cutting Training Program na naglalayong turuan ang mga kalahok ng praktikal na kasanayan na maaaring magamit bilang hanapbuhay. Bukas ang pagpapalista mula Setyembre 29 hanggang Oktubre 3, 2025 sa PESO Calauan, mula Lunes hanggang Biyernes.
Sa pamamagitan ng programang ito, inaasahang mas maraming mamamayan ang magkakaroon ng oportunidad na makapagsimula ng sariling kabuhayan at makatulong sa kanilang pamilya.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring magpadala ng mensahe sa PESO Calauan Facebook Page.

Noong Agosto 14, 2025, matagumpay na naisagawa ang Local Recruitment Activity (LRA) sa Municipal Conference Hall, Brgy. Kanluran, Calauan, Laguna.
Sa pamamagitan ng programang ito, muling nagkaroon ng pagkakataon ang mga Calaueño na makapag-apply at masuri para sa mga posisyong inaalok ng McDonald’s. Layunin ng aktibidad na ito na mailapit ang mga oportunidad sa trabaho sa mismong komunidad, nang hindi na kinakailangang bumiyahe pa sa malalayong lugar.

Ang LRA ay isa sa mga regular na inisyatiba ng Public Employment Service Office (PESO) Calauan, katuwang ang Pamahalaang Bayan, upang makapaghatid ng trabaho, pag-asa, at oportunidad sa ating mga mamamayan.
Noong Agosto 13, 2025, pormal na nagtapos ang isinagawang Community-Based Skills Training Program sa Dressmaking na handog ng Provincial Employment Service Office (PESO) katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Calauan sa pamumuno ni Mayor Roseller “Osel” Caratihan.
Sa loob ng ilang linggo ng pagsasanay, hindi lamang pananahi ang natutunan ng mga kalahok, kundi pati ang pagtitiwala sa sarili, pagtutulungan, at pagbuo ng bagong hakbang tungo sa pag-unlad.
Malaking pasasalamat ang ipinapaabot sa Provincial PESO, sa pangunguna nina Ma’am Mary Jane T. Banasihan-Corcuera, Engr. Rodson G. Del Mundo, at Sir John Cyrelle Z. Cesario sa kanilang patuloy na suporta sa mga programang nagbibigay ng hanapbuhay at pag-asa sa mga Calaueños.
Gayundin, isang taos-pusong pasasalamat ang inihahatid sa ating ama ng bayan, Mayor Osel Caratihan, sa kanyang walang sawang pagtulong, pagbibigay ng oportunidad, at suporta upang maisakatuparan ang mga ganitong aktibidad.
Hindi rin matatawaran ang dedikasyon ng trainer na si Ma’am Gellie L. Ocdamia, na buong puso’t tiyaga ay nagbahagi ng kanyang kaalaman sa larangan ng pananahi.
Muli, isang malaking pagbati at pasasalamat sa lahat ng nakilahok. Nawa’y magsilbi itong simula ng mas maraming oportunidad at mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga kababayan.
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.