
Sa pangunguna ng ating butihing Mayor Roseller “Osel” Caratihan, pormal na binuksan noong Setyembre 12, 2025 ang Bagong Calauan Night Market, isang proyekto na layuning pasiglahin ang lokal na ekonomiya at bigyan ng karagdagang kabuhayan ang mga mamamayang Calaueño.
Matatagpuan ang Calauan Night Market sa Brgy. Kanluran at bukas ito mula ika-5:00 ng hapon hanggang ika-11:00 ng gabi, Lunes hanggang Linggo. Tampok dito ang iba’t ibang produkto gaya ng mga lokal na pagkain, damit, gamit sa bahay, at mga handmade crafts na tunay na gawang Calauan.

Ayon kay Mayor Caratihan, ang pagsasagawa ng lingguhang Night Market ay bahagi ng paghahanda sa pagbubukas ng Bagong Pamilihang Bayan at isang hakbang din upang palaganapin ang tamang disiplina sa pagtatapon ng basura. Layunin ng proyektong ito na maitanim sa isipan ng bawat Calaueño ang kahalagahan ng kalinisan at kaayusan sa mga pampublikong pamilihan.
Namahagi rin ang ating butihing Mayor ng tulong pinansyal sa mga nasalanta ng malakas na ulan at hangin noong Setyembre 23, bilang bahagi ng kanyang malasakit at agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong manininda sa Calauan Night Market.

Ang pagbubukas ng Calauan Night Market ay hindi lamang isang patunay ng patuloy na pag-unlad ng bayan, kundi isa ring paalala na sa pagkakaisa ng mga mamamayan, negosyo, at pamahalaan—tiyak na mas magiging makulay, maunlad, at maayos ang ating Calauan!
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.