
Tripla“DONG” Serbisyo para sa mamamayan ng Calauan, Laguna

Serves as the Presiding Officer of the Municipal Council, ensuring that sessions are conducted in an orderly and efficient manner.

Leads in crafting local laws, policies, and development programs necessary for an efficient and effective municipal government.

Oversees and ensures that the municipal budget is properly deliberated, reviewed, and aligned with the community’s needs and priorities through the council’s legislative process.

Strengthens community ties by actively engaging with citizens and supporting programs that promote local development and welfare.

Bilang bahagi ng adbokasiya para sa kaligtasan sa kalsada ng bawat pamilyang Calaueño, inilunsad ni Vice Mayor Dong Sanchez ang isang libreng Vehicle Safety Inspection na eksklusibo para sa mga residente ng Calauan.
Gaganapin ang nasabing programa mula Abril 1 hanggang Abril 30, 2026 sa Toyota San Pablo, kung saan maaaring ipasuri ng mga motorista ang kalagayan ng kanilang mga sasakyan upang matiyak ang maayos at ligtas na biyahe.
Kasabay nito, magkakaloob din ng dagdag na 10% diskuwento sa lahat ng serbisyo, bilang karagdagang benepisyo para sa mga lalahok sa programa.
Ayon kay Vice Mayor Dong Sanchez, mahalaga ang regular na pagsusuri ng sasakyan upang maiwasan ang aksidente at mapangalagaan ang buhay ng bawat motorista at pasahero. Layunin din ng programang ito na mapataas ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng road safety.
Ang naturang inisyatiba ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng ating Pangalawang Punong-Bayan na maghatid ng mga serbisyong direktang makikinabang ang mamamayan.
Hinihikayat ang lahat ng residente ng Calauan na samantalahin ang libreng serbisyong ito sa loob ng itinakdang panahon.
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.