
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2025, isang Leadership Training and Seminar ang idinaos noong Agosto 28, 2025, mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM, sa Municipal Conference Hall, Calauan.
Layunin ng aktibidad na ito na hubugin ang mga kabataang Calaueño upang maging matatag, responsable, at may malasakit na lider ng kinabukasan. Sa pamamagitan ng mga mahahalagang talakayan at pagsasanay, bibigyang-diin ang kahalagahan ng pamumuno, kalusugan, at kaligtasan.

Kabilang sa mga tinalakay na paksa ang:

Sa pakikibahagi sa makabuluhang seminar na ito, hindi lamang kaalaman at kasanayan ang kanilang makukuha, kundi inspirasyon din upang maging aktibong katuwang sa paghubog ng mas maayos at mas maliwanag na kinabukasan para sa bayan ng Calauan.

Inilunsad ng PhilHealth ang YAKAP o Yaman ng Kalusugan Program bilang pinalawak na bersyon ng Konsulta package. Layunin nitong mas mapalapit sa bawat Pilipino ang abot-kayang serbisyong medikal.
Saklaw ng YAKAP ang libreng konsultasyon, laboratory tests, at access sa hanggang 75 essential medicines sa ilalim ng PhilHealth GAMOT Program na may taunang halagang hanggang ₱20,000. Kasama rin dito ang mga cancer screening at iba pang diagnostic tests sa mga accredited clinics at ospital.
Ayon sa PhilHealth, awtomatikong kabilang dito ang mga dating Konsulta members, at inaasahang milyon-milyong Pilipino ang makikinabang sa programang ito bilang bahagi ng pagpapatupad ng Universal Health Care.
Narito ang Listahan ng Accredited YAKAP Clinics for CY 2025 Updated as of July 31, 2025 :
https://www.philhealth.gov.ph/partners/providers/facilities/accredited/YAKAP_073125_v3.pdf
Benjamin Franklin


Sa tuwing dumarating ang malalakas na pag-ulan at pagbaha, hindi maiiwasan ng marami ang lumusong sa tubig baha. Ngunit kaakibat nito ang panganib ng pagkakasakit sa Leptospirosis—isang seryosong karamdaman na maaaring makuha sa paglusong o pag-inom ng tubig na kontaminado ng ihi ng daga.
Ayon sa Philippine Society of Nephrology, ilan sa mga senyales ng leptospirosis ay mataas na lagnat, pananakit ng ulo at kalamnan, pamumula ng mata, at paninilaw ng balat. Kung mapabayaan, maaari itong magdulot ng malubhang komplikasyon sa bato at maging panganib sa buhay.
Upang maiwasan ang sakit, mahalagang iwasan ang paglusong sa baha, gumamit ng proteksiyon gaya ng bota kung kinakailangang lumusong, at panatilihing ligtas at malinis ang iniinom na tubig.
Maging wais at maalam ngayong panahon ng tag-ulan—bantayan ang kalusugan at maging maingat upang makaiwas sa leptospirosis. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring basahin ang mga impormasyong ibinahagi ng Philippine Society of Nephrology.
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.