Idinaos noong Setyembre 12, 2025 sa Municipal Conference Hall, Brgy. Kanluran, Calauan, Laguna ang Public Hearing para sa Proposed Ordinance Enacting the Municipal Revenue Code of Calauan, Laguna.
Layunin ng naturang ordinansa na pagtibayin ang mga panuntunan at regulasyon kaugnay ng kita at koleksiyon ng lokal na pamahalaan upang higit na mapaunlad ang mga serbisyong ibinibigay sa mga mamamayan.
Pinangunahan ang pagdinig ng Committee on Finance, Budget, Appropriation and Ways and Means ng Sangguniang Bayan ng Calauan. Dinaluhan ito ng mga opisyal ng bayan, mga kinatawan ng iba’t ibang sektor, at mga mamamayan na nagbahagi ng kanilang opinyon at mungkahi hinggil sa panukala.
Sa pamamagitan ng naturang public hearing, nabigyang pagkakataon ang publiko na maipahayag ang kanilang pananaw, na magsisilbing gabay sa magiging desisyon ng Sangguniang Bayan para sa pagpapatibay ng ordinansa na may layuning makatulong sa ikauunlad ng Calauan.
Handa ka na bang magsimula ng bagong kabanata? 💍 Huwag palampasin ang #KasalangBayan2025 — isang espesyal na pagkakataon para sa mga magkasintahan na nagnanais magtali ng buo at wagas na pagmamahalan! 💖
Sa pangunguna ng ating butihing Mayor Roseller G. Caratihan at ng Tanggapan ng Civil Registrar, iniimbitahan namin kayong magtulungan sa pagbuo ng mga pangarap at simulan ang paglalakbay ng buhay mag-asawa. Ang Kasalang Bayan 2025 ay isang libreng seremonya ng kasal na magbibigay pagkakataon sa mga magkasintahan na ipagdiwang ang kanilang sagradong pagsasama sa harap ng Diyos at ng ating komunidad.
📍 Municipal Conference Hall, Brgy. Kanluran
September 19, 2025 | 4:00 PM
Isang hakbang ito upang higit pang mapalakas ang ugnayan ng pamilya at itaguyod ang kahalagahan ng isang legal at matatag na kasal sa ating lipunan.
Para sa mga nais magtanong o magpatala, mangyaring makipag-ugnayan sa Local Civil Registry Office ng Calauan, Laguna.
Magsama-sama tayo sa isang bagong simula at magdiwang ng pag-ibig na walang hanggan! ❤️
Feel free to visit during normal business hours.
Office of the Sangguniang Bayan, Municipal Bldg. Brgy. Silangan, Calauan, Laguna 4012
Vice Mayor's Office Email: vicemayoroffice777@gmail.com Vice Mayor's Office Telephone: (049) 539-3979 SB Office Email: sangguniangbayancalauan@gmail.com SB Office Telephone: (049 ) 545-3286
Open today | 08:00 am – 05:00 pm |
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.